Kapag mas lamang na ang lungkot kesa saya
Ano pa bang kailangang timbangin pa?
Aasa pa bang bumalik sa dati ang lahat?
Sana alam ko ano ang dapat
Bakit ganun kadali sa iba
Ang bitawan ang mahal nila
Hindi ba’t nangako kayo sa isa’t isa
Na kahit anong hirap ay kakayanin pa?
Ngunit ngayo’y naiintindihan ko na
Nakakapagod rin naman pala talaga
Puro pangakong napapako
Sino unang susuko?
Patawad doon, patawad dito
Asan ba ang dulo nito?
Para tayong naglalaro ng gulong
Paikot ikot, nakakahilo
Hindi malaman ang simula
at saan magwawakas
Pareho tayong tumatakbo
Sa magkabilang dako
Hindi na magkatagpo
Magkaibang pahina
Hindi na makahinga
Wawakasan na ba
O ipagpapatuloy pa?
Ngunit ayaw kong bumitaw
At ayaw mo akong pakawalan
Kahit na alam natin na dapat itigil na
Tama na ang paulit ulit na sakit
Tama na..
Tama na..
Patuloy lang natin masasaktan ang isa’t isa
Wag na nating tuluyang sirain pa
Ang magandang panimula
at masayang masayang gitna
Halika na..
Tama na..
Hinawakan mo ang kamay ko
Ang pintig ng puso ko’y bumilis
Naramdaman ko ang tibok ng pulso mo
Hanggang sa..
Hanggang sa tumigil ang mundo..
Sabi mo mahal mo ako
Mahal, nangako tayo
Pero bakit tayo humantong sa ganito
Anong nangyari sa dating tayo?
Nawala ang ningning ng mga tala
Kasabay ng pagtulo ng luha
Ang dating kalawakan ng tuwa at ligaya
Isa ng karagatan ng sakit at dusa
Ang nakaraan na puno ng pag asa
Isa na lang ngayong alala
Pero mahal, sasabihin ko sayo
Ang nakaraan ma’y maging multo
Hindi ako nagsisising binigay ko sayo ang puso ko
At salamat din, salamat sa pagmamahal mo
Niyakap mo ako
Tumigil ang mundo
At sabi mo pinapalaya mo na ako
Sa pagbitaw nating dalawa,
tumigil ang oras
eto na nga marahil ang wakas
Sa pagbitaw nating dalawa,
huminto sa pag ikot ang mundo
Kasabay nito..
Kasabay nito ang pagkawala ng Ikaw at Ako
My first Filipino poem posted. I was tagged by one of my friends about this Spoken Word poetry on Facebook and I really want to join in one but I don’t know if I can perform this on stage. Fright. Fright. Fright. Heck. So, I just decided to publish this piece I wrote back in 2016. Lemme know what you think. Should I write more of this?
[DISCLAIMER: featured image]
more!
LikeLiked by 1 person